January 29, 12:50 a.m.

Ayun, magsusulat na naman ako. Naubos na ang mb ng data ko (pakyu Globe nga pala), kaya may time ulit ako magsulat. Actually wala talaga akong time kasi may pending tasks pa ako sa ICT, may comm re pa kaming walang usad, at need ko pa mag-review pero magsusulat ako.

Di na yata mauubos ang kilig ko. Ganito pala pag may nakakapansin sa sulat mo. Sa tinagal tagal ko nang sumusubok magsulat—kesahodang maikling kwento o sanaysay tuwing Buwan ng Wika; editoryal, lathalain, balita, lahat lahat na, tuwing diyaryo days; mga iskrip sa pelikula ngayong college—ngayon lang ako muntik-muntikang maniwala na marunong nga ako.

Totoo, busog na busog ako sa mga papuri mula school paper advisers hanggang friends. Pero hirap akong maniwala. Ano bang malay natin, diba? Baka pinaplastik lang nila ako, charot. Hindi ganun. Hindi ako manininisi. Alam kong kaya ako di naniniwala ay dahil mababa ang tingin ko sa sarili ko.

Pero potaena, chong, iba pala kasi talaga pag galing na sa taong nasa industriya na at malayo na ang narating. Parang gugustuhin mo na lang maniwala e. Parang nagkakulay lahat lahat ng achievement ko mula elementary. Parang oo nga, baka nga, baka kaya ko nga.

Best experience ever. First time. Di ko to malilimutan. Mananawa na ang lahat sa kakakwento ko pero tangina, iba kasi talaga.

Ibang iba.

Salamat, sir Bam! 😭

(context: napublish sa subselfie.com yung pinagtripan kong flash event re: rappler.

link: https://subselfie(dot)com/2018/01/26/pressuring-press-freedom/)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s